-- Advertisements --
Asahan pa rin ang taunang Christmas rush Traffic pagdating ng Disyembre.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kahit na ngayong panahon ng pandemiya ay hindi pa rin maiwasan na makaranas ng pagsikip ng trapiko.
Isa sa dahilan ng pagsisikip ng trapiko ay ang pagsasara ng MMDA ng ilang U-turn slot sa kahabaan ng EDSA.
Inamin ni MMDA traffic chief Bong Nebrija na mayroong 280,000 o 70 percent ang volume ng sasakyan mula ng inilagay sa general community quarantine ang National Capital Region.
Kung ikukumpara aniya noong nakaraang taon ay mas kakaiba ngayon dahil sa pandemiya na nararanasan.