KALIBO, Aklan—Kakaiba ang naging estilo ng isang Aklanon upang magpaabot ng inspirasyon ngayong panahon ng kapaskuhan.
Gumawa ng Christmas tree gamit ang mga bote ng alak si Stephen Selorio, residente it Santa Cruz, Lezo na may nakasulat na “Drink or never”.
Ayon kay Selorio, dahil umano sa pandemic ay gusto nitong magbigay ng mensahe sa publiko na tigilan na ang pag-inom ng alak o magkaroon ng kontrol sap ag-inom nito.
Layunin umuno nito na pukawin ang atensyon ng pamahalaan at simbahan upang magkaroon nga programa at upang matulungan ang mga padre-de-pamilya sa kanilang tinatagong damdamin na madalas ay binubuhos na lamang ng mga ito sa pamamagitan ng pag-inom nga alak.
Sa ngayon ay viral na sa social media ang post ni Selorio kung saan makikita ang larawan ng kaniyang ginawang “christmas tree para sa mga lasinggero”.