-- Advertisements --
SARIAYA TREE

Pinailawan na ng makasaysayang bayan ng Sariaya sa Quezon ang kanilang Christmas tree para ngayong holiday season.

Nanguna sa naturang programa ang alkalde ng lungsod na si Mayor Marcelo Gayeta na dinaluhan rin ng mga empleyado ng LGU at mga bagong halal na mga barangay officials, non-government organizations, at residente.

Kasabay nito ay ang paglulunsad ng Parol Festival ng Tourism, Culture, and the Arts Office na pinamumunuan ng asawa ng alkalde.

Ang naturang parol o mga xmas lantern ay gawa mula sa mga recycled materials mula sa mystical Mount Banahaw.

Ang buong town plaza ay pinalamutian ng mga xmas lights at mga dekorasyon habang nakapalibot naman sa monumento ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ang circular tunnel of lights.

Makikita rin ang tradisyunal na belen na naging sentro ng display sa bungad ng municipal hall.

Ang bayang ito ay itinuturing na heritage town ng lalawigang ito para sa pagpapanatili ng halos 100 cultural properties mula pa sa panahon ng Kastila.

Nagtapos naman ang palabas sa isang fireworks display at concert ng mga local talents sa lugar.