-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Pormal nang binuksan sa publiko ang simpleng Christmas village na matatagpuan sa municipal plaza ng bayan ng Kabacan sa Cotabato.
Ayon kay Kabacan municipal administrator Ben Guzman, simpleng pagpapakita ito sa husay at artistic side ng 18 opisina ng LGU.
Dagdag pa nito, dahil nga bukas na ang plaza sa publiko kailangan pa ring sumunod sa ipinapairal na batas tulad ng pagsuot ng face mask lalo pa’t wala umanong pinipili ang sakit at nasa gitna parin ang bayan sa laban kontra COVID-19.
Tiniyak naman ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr na araw at gabi ay may magbabantay sa Christmas village para masiguro na mahigpit na sinusunod ng mga bumibisita ang health protocols kontra COVID.