CENTRAL MINDANAO- Naging makulay at makabuluhang ang pagbubukas ng Christmas Village sa ibat-ibang bayan sa probinsya ng Cotabato.
Dinagsa ng libu-libong katao ang malawak na christmas village sa bayan ng Libungan North Cotabato kasabay ng mabonggang firework display.
Tinatayang nasa mahigit 10,000 katao ang nagtungo upang masaksihan ang pagbubukas nito ngayong taon.
Ito ang taunang aktibidad na isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Libungan upang magbigay aliw at ipadama ang diwa ng pasko sa mga tao at mga bisita.
Karamihan sa mga bisita ay naggaling pa sa ibat- ibang bayan sa lalawigan ng Cotabato upang masaksihan ang pagbubukas ng christmas village dahil sa taglay na kagandahan nito.
Bukod sa maliwanag na nayon ay nakaagaw atensiyon din ang higanteng belen at nagagandahang mga parol,paligsahan sa paggawa mula sa 20 Barangay at ibat-ibang departamento.
Bago ang pagbukas ng Christmas Village sa Libungan Cotabato ay nagkaroon muna nang parada ng mga santa claus simbolo ng mainit na pagmamahal at pagkakaisa ng buong katauhan sa selebrasyon ng pasko at bagong taon.
Nanguna sa pagbubukas ng Christmas Village sina Libungan Mayor Christopher “Amping”Cuan,Vice-Mayor Dr Ronaldo Pader,SB Members,pulisya,militar,LGU-Libungan at ibat-ibang ahensya ng gobyerno.
Bisita rin sina Cotabato Vice-Governor Emmylou”Lala”Mendoza, Senior Board Member Shirlyn Villanueva,Dating Board Member Nonoy Cabaya,Former BM Rolly Sacdalan,BM attorney Roland Jungco,BM Jonathan Tabara,USM President at iba pa.
Sinabi ni Mendoza na kahit nilindol ang probinsya tuloy ang selebrasyon ng pasko at bagong taon,sama-sama at magkaisa para bumangon.
Hiling rin ni Mayor Cuan sa mamamayan na ipadama ang diwa ng pasko,pagkakaisa tungo sa mapayapang komunidad sa bayan ng Libungan.