-- Advertisements --

Nabawi ng Ukraine mula sa kamay ng mga Russian forces ang Chuhuiv City.

Ayon sa General Staff ng Ukraine na nagkaroon ng matinding labanan sa pagitan ng dalawang puwersa bago tuluyang maagaw muli sa kanila ang nasabing silangang lungsod ng bansa.

Sinasabing napatay din sa labanan ang dalawang matataas na mga Russian commanders.

Ang Chuhuiv city na matatagpuan sa 23 miles bago ang Kharkiv City ay mayroong 31,000 na populasyon.