BAGUIO CITY – Naging online na ang church services at Bible studies ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa South Korea dahil sa lalo pag pagdami ng kaso ng coronavirus doon.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Roel Toquero, nagsasagawa ang mga church leaders ng online church services at Bible studies para hindi na kailangang personal na magtungo ang mga OFWs sa mga simbahan.
Aniya, sinasamantala ng mga OFWs ang online na church services at Bible studies para may panahon pa rin sila sa ispiritwal.
Sinabi niyang gumawa na rin ng hakbang ang Philippine Embassy sa South Korea para magkaroon ng donasyon sa face masks at hand sanitizers na ipapamahagi sa mga OFWs lalo na sa Daegu na siyang epicenter ng outbreak ng COVID-19 sa naturang bansa.