Hinimok ng mga madreng Katoliko si Pope Farncis na payagan silang bumoto para sa final document.
Ang mga madreng ito ay sumali sa three-week Vatican assembly na ginanap sa Amazon.
Magiging makasaysayan naman para sa Vatican sa oras na pumayag ang santo papa sa kanilang hiling.
Sa ngayon, hindi pa sumasagot ang Vatican sa naturang request ng mga madre ngunit ayon sa isang expert hindi raw karaniwan na mabago ang voting rules habang papalapit na ang “synod.”
“Synod fathers” lamang kasi ang pinapayagan na makaboto sa final document kung saan nagsasaad ito ng list of recommendations para kay Pope Francis.
Itinuturing na “synod fathers” ang mga bishops, cardinals at specially-appointed male representatives ng simbahan.
Sa nasabing final document kukuha ang santo papa ng mga rekomendasyon habang gumagawa ito ng kaniyang sariling dokumento sa mga susunod na buwan.
Mayroong 184 bishops o cardinals ang may boting rights. Two-thirds lamang ang galing sa Pan-Amazon region na sumasakop na rin sa siyam na Latin American countries.
Ayon kay Azucena Zambrano, isang Ecuadorian nun, halos 35 kababaihan ang nakiisa sa synod at tinawag ang kanilang sarili bilang “synod mothers.”
Ang 35 kababaihan rin na ito ay lumagda ng petisyon kung saan hinihiling nila na bigyan sila ng karapatan bumoto.