-- Advertisements --
Idineklara na ng PNP na cleared ang gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga matapos ang malakas na lindol noong Lunes.
Ayon kay Pampanga Police Director Police Col. Jean Salvador Fajardo, bago raw itigil ang operasyon ay nahalughog na umano ng mga rescuers ang loob ng gumuhong supermarket.
Sa ngayon, lima pa ang nawawala sa probinsiya matapos ang lindol habang 18 ang mga nasawi at 243 ang sugatan.
Una rito, inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Bombo Radyo Philippines na itinigil na ang search rescue and retrieval operation sa gumuhong supermarket.