-- Advertisements --

Ngayon pa lamang ay nanghihingi na ng name suggestions ang aktres na si Chynna Ortaleza para sa second baby nila ng asawang singer na si Kean Cipriano.

Kasabay ng Easter Sunday kahapon nang inanunsyo ng celebrity couple ang panibagong biyaya at “newest band member” sa kanilang pamilya.

“Happy Easter from me, @chynsortaleza, @stellarcipriano and our newest band member! Sending good vibes to all!” ani Cipriano.

Sa panig naman ng 36-year-old actress: “Name suggestions! Happy Easter from #TheCips”

Sa ngayon ay three years old na ang panganay nina Kean at Chynna na si Stellar.