-- Advertisements --
Ibinahagi ni Ciara Sotto ang paglaban nito sa COVID-19.
Sa kaniyang Instagram ay nagpost ito ng video at doon ikinuwento kung paano niy nalampasan ang nasabing virus.
Dagdag pa nito na noong Hunyo ay nagpositibo at kahit hindi gaano ka-grabe ay maituturing pa rin nito na kakaiba ito.
Nangamba pa lalo ito lalo na at ng siya ay nasa kaniyang mga magulang na sina Helen Gamboa at Senator Tito Sotto kasama pa ang anim na taong gulang na anak na isi Crixus.
Dagdag pa nito na bukod sa nawalan siya ng pang-amoy at panlasa ay nakaranas din ito ng lagnat, pag-ubo at diarrhea.
Gumaling lamang siya matapos ang 10 araw ay gumaling na ito at nagpasalamat na rin ito dahil nagnegatibo sa virus ang kaniyang mga kaanak.