-- Advertisements --

Binalaan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang publiko sa pagtaas ng mga investment scams, partikular sa mga cryptocurrency.

Ayon kay CICC Executive Director Alexander Ramos, umabot na ng 14 ang mga nabiktima ng mga naturang scams na nag-file sa CICC.

Aniya, ang mga nang-iiscam ay mga banyaga na nangangakong magkakaroon ng mas mataas na investment. Dagdag pa niya na ang mga ganitong scams ay minamadali ang mga biktima na agarang mag-invest dahil mabilisan lamang ang mga offer na ito.

Pinayuhan ni CICC Executive Director Ramos ang publiko na mag-research muna hinggil sa iba’t ibang uri ng investment bago maglabas ng malaking pera para rito.

Kaugnay nito, kung may kahina-hinalang nag-ooffer na mga ganitong klaseng investment o di kaya ay nabiktima, maaari niyo itong itawag agad sa Inter-Agency Response (IARC) toll-free hotline 1326.