-- Advertisements --

Patuloy ang panghihikayat ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa publiko na marapat na agad na ireport sa kanilang opisina ang anumang glitches o naranasang nilang problema sa mga electronic wallets.

Sinab ni CICC Executive Director Alexander Ramos, mahalaga na iparating sa kanilang opisina para ito ay agad nilang matugunan.

Dagdag pa nito na hindi mareresolba ng pagkawala ng pera ng e-wallet ang pagpost ng problema sa social media.

Mula kasi ng nagkaroon ng problema sa mga e-wallet ay maraming mga Filipino ang nagparating ng kanilang reklamo gamit ang kanilang mga social media.