-- Advertisements --
Nakatakdang sampahan ng kaso ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang mga ahente ng mga telecommunications company na bigong mabantayan ang mga hindi rehistradong SIM cards.
Kasunod ito sa patuloy pa rin at talamak ang pagpapadala ng mga scam text messages.
Ayon kay CICC Executive Director Alexander K. Ramos, labis na nakakaalarma na ang nasabing usapin ng lumabas sa imbestigasyon nila na ginagamit pa rin ang mga unregistered SIM cards para makatanggap ng mga online bank transaction messages.
Napapanahon na aniya na maghigpit pa lalo ang gobyerno laban sa mga telcos.
Sa mga susunod na araw aniya ay makikipagpulong sila sa National Telecommunications Commission ukol sa nasabing usapin.