-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Hinikayat ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-12 ang lahat ng mga nabiktima ng FMX Financial Consultancy Services na mag-file na ng kaso.

Ito’y matapos na nakarating sa kanila na marami ng complaints na hindi na nakapag-release ng produkto ang naturang kompanya.

Ayon sa CIDG-12, mas makabubuting maraming maghain ng kaso laban sa FMX matrix na makikita sa Calina St. Lagao nitong lungsod para large scale syndicated estafa ang kakaharapin ng may-ari.

Napag-alaman na sa FMX matrix, magbibigay ang isang investor ng 10% sa kabuuang presyo ng produkto gaya ng appliances, sasakyan, alahas, motor at iba pa, at pagdating ng tatlo hanggang apat na buwan ay mabibigay na ang kanilang item.

Gayunman, dalawang beses lang umanong nakapag-release hanggang sa wala ng naibibigay ang kompanya sa kanilang investors.

Sa ngayon, mahigit 10 na sa mga suspek sa investment companies sa GensSan ang naaresto ng CIDG-12.