-- Advertisements --
SCAM NEW
CIDG

BUTUAN CITY – Dumagsa sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-Caraga ang mga biktima sa bagong investment scam nitong lungsod ng Butuan.

Ayon kay Lt. Col. Cholijun Caduyac, Regional Director ng CIDG-Caraga, inihayag nitong hindi bababa sa 50 biktima ang nagreklamo simula kahapon matapos mabiktima sa investment scam na ginawang front liner ang beauty product.

Sa ngayon ay hinahanap na ang itinurong mga suspek na sina Army Captain Junmar Morano Tisoy at Maria Jorge Tecson Plaza. Habang nasa kustudiya na ang assistant na si alyas Cindy.

Nagsimula umano ito noong Pebrero 2019 kung saan may opisina sa Barangay Obrero, Butuan City at may branch sa Iligan City.

Nag-offer umano ng 40 porsiento na interest kada buwan sa e-pay-in sa nasabing investment scam.

Habang sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo sa hindi pinangalanang biktima, inihayag nitong aabot sa kalahating milyon ang na-pay-in sa walang pangalan na investment scam.

Naniniwala umano ito kay Ms. Plaza dahil matagal na siyang re-seller ng kaniyang beauty product.

Nagkalaboan ang pag-release ng interest matapos inaming wala na itong pondo.

Na-hospital umano ang suspek matapos itong nag-suicide attempt at hindi na mahagilap pa hanggang sa ngayon.