Naghain ng reklamo si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Police Brigadier General Nicolas Torre III laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
May kauganyan ito sa naging banta ng dating pangulo na papatayin ang mga senador.
Ayon kay Torre na ang kasong inciting to sedition at unlawful utterance na may karampatang kaparusahan sa Revised Penal Code ay isinampa sa Department of Justice.
Dagdag pa nito na nais ng dating pangulo na patayain ang 15 senador at gusto niyang bumbahin kaya nakasampa na ang kaso sa Department of Circular 20 para sa case build-up na ang kaso.
Nakasaad kasi sa DC na ang reklamong inihain sa prosecutors ay sasailalim sa “case build-up” bago magsimula ang preliminary investigation.
Giit pa ng CIDG chief na ang nasabing mga pahayag ay hindi dapat kinokonsinti kung saan hindi rin marapat na gawing biro ang pagpatay.
Magugunitang inihayag nitong nakaraang Huwebes sa proclamation rally ng PDP Laban ng dating Pangulo na kaniyang papatayin ang senador para tiyak na makapasok lahat ang pambato sa kaniyang partido.