-- Advertisements --
Plano ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang paghain ng hold departure order laban sa returning Filipino na si Gwyneth Chua na tinaguriang Poblacion girl.
Si Chua ang returning Filipino mula sa US ay tumakas sa mandatory quarantine at dumalo sa isang party sa lungsod ng Makati.
Layon ng hold departure ay para laging makadalo sa pagdinig sa kaniyang kaso si Chua.
Magugunitang sinampahan ng CIDG ng kasong paglabag sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Disease and Health Events of Public Health Concern Act si Chua kasama ang magulang nito, limang hotel personnel at ang nobyo niya.
Patuloy din ang ginagawa nilang paghagilap sa mga kasama ni Chua na dumalo sa kasiyahan.