-- Advertisements --
Naghain ng kasong sedisyon sa tanggapan ng Department of Justice ang CIDG laban sa dating army captain na si Enrique Climente.
Pinangunahan ni Police Brig. General Nicolas Torre III ang paghahain ng reklamo sa Justice Department ngayong araw.
Ang naturang reklamo ay may kinalaman sa isang personal vlog nito sa YouTube .
Nanawagan dito si Climente bilang isang uniformed personnel na iurong ang suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang panawagan ay ginawa nito sa kasagsagan ng pag-aresto ng mga otoridad kay Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy sa Davao at sa panahon ng mga pagbatikos ni VP SARA kay PBBM, FL Liza Marcos at Speaker Martin Romualdez.