-- Advertisements --

Aabot sa mahigit P43M na halaga ng electronic products ang matagumpay na nasamsam ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa Meycauayan City, Bulacan.

Ito ay matapos ang isinagawang operasyon sa Hot Screen Electric Corporation na sinasabing pag-aari ng suspect na si Chi Ho.

Arestado ang suspect kasama ang apat pang indibidwal na naabutan ng mga operatiba sa naturang lugar.

Sa isang pahayag ay sinabi ni CIDG Acting Director Police Brigadier General Nicolas Torre III, isinagawa ang operasyon sa bisa ng isang search warrant na inisyu ng Regional Trial Court ng Capas, Tarlac.

May kinalaman ito sa paglabag sa Consumer Act of the Philippines.

Kabilang sa mga nakumpiska ay higit 3,000 smart TV units, TV Parts, monitor at mga electronic products.

Kaugnay nito ay tiniyak ng CIDG na magpapatuloy ang kanilang mga isasagawang operasyon laban sa smuggling at mga ilegal na aktibidad.