-- Advertisements --

Magsasanib pwersa ang ahensya ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) sa tulong ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) official na si Raul Villanueva para maimbestigahan at matukoy kung sinong ex-Philippine National Police Chief ang kasabwat ni Alice guo sa pagpapatupad ng mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ani PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo, ang CIDG ang naatasan na mag imbestiga at alamin ang mga alegasyon na ibinunyag ni Villanueva sa senado para malinaw na ang nasabing isyu.

Nabanggit din ng tagapagsalita na magkakaroon ng pagpupulong ang mga opisyal ng ahensya para mapagusapan at mapagplanuhan ang ikakasang mga operasyon.

Samantala, agad din namang siniguro ni Fajardo na magiging tapat at transparent sila sa mga magiging plano at napagusapan sa gaganaping pagpupulong ng mga naturang ahensya.