-- Advertisements --
Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na mananatili pa rin sa premises ng senado ang mga tauhan ng CIDG.
Ayon kay PNP Spokesperson PSSupt. Benigno Durana na hindi pa rin umaalis ang mga tauham ng CIDG duon kasama ang mga miyembro ng military police.
Muling binigyang diin ni Durana na ang presensiya ng mga pulis sa Senado ay para mag assist sa AFP sa sandaling isilbi na ang warrant of arrest laban kay Sen. Trillanos batay sa utos ng korte.
Ang paglilinaw ng PNP ay kasunod sa ulat na pinaalis na ang mga ito.
Sa kabilang dako, ayon naman kay PNP CIDG chief, Police Director Ruel Obusan mananatili ang kaniyang mga tauham habang inaabangan ang kautusan mula sa korte.