-- Advertisements --

Walang takot na inamin ng aktres na si Cindy Kurleto ang tunay na dahilan kung bakit ito umalis sa mundo ng showbiz.

Na-diagnose na may polycystic ovary syndrome o PCOS ang 39-anyos na aktres.

Ang PCOS ay isang kondisyon na naka-aapekto sa hormone levels ng isang babae kung saan nagiging mahirap para rito ang mabuntis.

Ayon kay Kurleto, sa loob ng sampung taon niya sa showbiz ay mayroon siyang hormonal imbalance na nauwi sa PCOS dahil daw ito sa stress ng kanyang trabaho.

Limang doktor na rin daw ang nagkumpirma sa kanya na hindi siya magkaka-anak.

Ngunit salungat sa sinabi ng mga doktor ay nagkaroon siya ng dalawang anak.

Determinado umano ang aktres na magkaroon ng masayang pamilya kung kaya’t nagbago siya ng lifestyle.