-- Advertisements --

ROXAS CITY – Pinalawig pa ng Singaporean government ang circuit breaker period sa bansa dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ito ang inihayag ni Bombo International Correspondent Gizelle Gail Ng sa kaniyang ulat sa Bombo Radyo.

Ayon kay Ng, pinalawig pa ng dalawang buwan ang circuit breaker period sa bansa dahil sa patuloy na pag-akyat ng kaso ng COVID-19.

Ayon dito limitado na lamang ang mga non-essential establishments at opisina na pinahihintulutang makabukas at sinuspinde na rin ng ilang kompaniya ang trabaho ng kanilang mga empleyado.

May ibibigay naman umanong tulong ang Singaporean government sa mga manggagawang apektado ng circuit breaker.

Nabatid na isinailaim sa circuit breaker ang bansa noong Abril 7 bunsod ng COVID-19 pandemic.