-- Advertisements --
DPWH SEC MARK VILLAR
DPWH SEC MARK VILLAR/ FB PHOTO

KALIBO, Aklan – Malaking tulong umano sa turismo ang natapos ng konstruksyon ng Boracay circumferential road.

Iniulat sa Bombo Radyo ni Department of Public Works and Highway (DPWH) Secretary Mark Villar na magiging mas madali na ang pamamasyal at paglilibot ng mga turista sa buong isla dahil dito.

Natapos na umano nila ang naiwang bahagi ng proyekto sa may Elizalde property at ang pag-aayos ng 1.4-km daan mula sa Tambisaan Port hanggang Rotonda.

Sa kabilang dako, sinabi pa ni Sec. Villar na sa pagbubukas ng Aklan Bridge ngayong taon, ang itinuturing na pinakamabahang tulay sa buong Western Visayas, nabawasan ang oras ng biyahe ng mula 90 minutos ay magiging 45 minutos na lang sa mga turistang magbabakasyon sa Boracay mula Kalibo hanggang Caticlan, Malay.