Pinayuhan ni Senate committee on justice chairman Sen. Richard Gordon si Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na maghanap na ng abogado dahil sa posibleng mga kasong kaharapin nito dahil sa kaniyang mga tauhan.
Ayon kay Gordon, nakikita na sa magkakasunod na pagdinig ang circumstantial evidence ukol sa kakulangan ng aksyon ng PNP chief sa kaniyang mga nasasakupan.
Aniya, nagtutugma ang pahayag nina PNP-CIDG Chief Benjamin Magalong, PDEA Chief Aaron Aquino at dating CIDG Deputy Director for Operations Rudy Lacadin na may alam si Albayalde sa maling gawain ng kaniyang mga “bata.”
“That’s why it’s so damaging. A general retired is telling a fellow PMA na tinawagan mo ako at sinabi mo ‘yan…,” wika ni Gordon.
Giit ng senador, kahit matapos na sila sa pag-iimbestiga, tiyak na magtatagal pa ang isyu dahil may hiwalay na hearing ang Department of Justice (DoJ) ukol sa bagay na ito.