-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Ipinapatupad na ngayon ang citizen’s arrest sa lungsod ng Koronadal, sa gitna ng nagpapatuloy na pagpapairal ng enhanced community quarantine.

Ito ang inihayag ni Koronadal City Mayor Eliordo Ogena kasunod na rin ng mga natatanggap na mga reklamo na marami pa ring mga mamamayan ang sumusuway sa mga patakaran lalo na sa social distancing at sa curfew.

Ayon sa alkalde, nais niyang mahigpit ang pagpapatupad nito lalo na’t marami ang umaabuso sa kabila ng mga ipinakalat na mga BPATS, police officials at mga law enforcement augmenting forces.

Bahala na umanong mapuno ang kulungan basta’t magtatanda aniya ang mga pasaway.

Nabatid na ang first offense ay penalty; first offense ay magmumulta ng P500; at ikatlong offense naman ang pagmumulta ng P1,000 at pagkakakulong.

Umaasa naman itong malaki ang maitutulong nito sa mas epektibong pagpapatupad sa social distancing at pagdagsa ng maraming tao lalo na sa downtown area.