Nakatakdang magsampa ng kaso ang grupong Citizen’s Crime Watch (CCW) sa Supreme Court (SC) para panagutin ang ilang opisyal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na umano’y pumayag para magsagawa ng press conference si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy sa opisina mismo ng IBP.
Pangungunahan ni CCW President Jigs Magpantay ang pagsasampa ng kaso sa hindi pa pinangalanang mga opisyal ng IBP.
Sa impormasyong ipinada ng grupo mismong sa Office of the Chief Justice sila dudulog sa Lunes para iparating ang naturang kaso.
Si Advincula ay nagsagawa ng press conference sa IBP noong Mayo 6 o ilang araw bago ang halalan.
Kasunod nito, ipinag-utos ni IBP Executive Vice President at incoming president Domingo Egon Cayosa na magsagawa ang IBP ng imbestigasyon sa isyu matapos na ring makaladkad ang kanyang pangalan.