-- Advertisements --

Pinapababa ngayon ng buong konseho ng lungsod ng Cebu si City Agriculturist Joelito Baclayon dahil nabigo itong ipatupad ang mga kinakailangang El Niño mitigating measures.

Ayon sa konseho, matagal na ito naisumite sa kanyang opisina ngunit hanggang sa ngayon ay wala pang tugon ang opisyal na si Baclayon dito.

Sa naging privilege speech ni Councilor Pastor Alcover Jr. chairperson ng committee on Agriculture and Rural Development ng Cebu City Council, sinabi nito na noong Marso ng nakaraang taon ay naisumite na nito sa opisina ni Baclayon ang mga request ng mga magsasaka mountain barangays.

Ito ay bilang paghahanda pa rin sa epekto ng El Niño Phenomenon.

Paliwanag pa ni Alcover na hindi nagamit ng maayos ang pondong inilaan sa opisina ni Baclayon noong mga nakaraang taong para sana sa mga magsasaka dahilan para maibalik ang pera sa kaban ng lokal ng pamahalaan ng Cebu City.

Ibinunyag pa nito na kasama sa mga hindi naipatupad na plano ay paggawa ng mga mini dam at water catchment facility na may P30 million pesos na allocated budget.