-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nagpalabas nang anunsiyo ang lokal na pamahalaan sa lungsod matapos na inilagay sa lockdown simula ngayong araw hanggang Setyembre 10 ang City Assessor’s Office dahil na COVID-19 cases ang ilang mga empleyado nito.

Pinayuhan na lamang ang mga mag-request ng Certified True Copy sa Tax Declaration na pumunta na lamang sa kanilang mga district offices.

Maaari rin umanong ihulog sa drop box sa sangguniang panlungsod building ang mga dokumento para sa pag-request ng certifications of total or no landholding or no improvement, transfer, discovery, subdivision or consolidation of land, building, machineries, at iba pang mga transaksyon.

Kung maalala, una ng nagpatupad noong nakaraang buwan ng grandular lockdown sa sangguniang panlungsod kabilang na ang nasabing opisina matapos na maraming empleyado ang nagkakahawaan sa iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan.