KORONADAL CITY – Pansamantalang isinara para sa mga magpaparehistro ang Commision on Elections (Comelec) office ng Koronadal matapos na mahawaan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang ilang empleyado at isinailalim sa disinfection ang tanggapan.
Ito ang inihayag ni Atty. Jay Gerada, provincial Ciomelec supervisor ng South Cotabato sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ngunit, ayon kay Atty. Gerada, pansamantala lamang ang pagsara ng tanggapan habang hinihintay ang clearance mula sa City Health Office at masigurong ligtas na sa virus ang magpaparehistro.
Samantla, simula ngayong araw ay isinailaim din sa hard lockdown ang ilang lugar sa 5 barangay sa lungsod ng Koronadal dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso.
Ito ay ayon sa kautusan ni City Mayor Eliordo Ogena at magtatagal ito hanggang Oktubre 5, 2021.
Kabilang sa nga barangay ang Barangay Zone III, Barangay Carpenter Hill, Barangay Sta. Cruz, Barangay Morales at Barangay GPS.
Sa ngayon nasa halos 800 na ang aktibong kaso ng covid sa lungsod at punuan pa rin ang mga hospital beds sa mga pagamutan.