CENTRAL MINDANAO-Nagkatensyon sa City Council sa lungsod ng Cotabato nang hagisan ng dumi ng tao ang isang City Councilor.
Ayon kay Cotabato City Vice-Mayor Graham Dumama na habang papasok sa session hall si City Councilor Popoy Formento ay bigla itong binato ng dumi ng tao ng hindi kilalang suspek.
Mabilis na hinabol ni Formento ang nagbato sa kanya ng dumi ng tao ngunit mabilis itong nakatakas.
Umuwi sa kanyang tahanan ang mambabatas,naligo at nagbihis kung saan bumalik ito sa sesyon sa City Council.
Marami ang naniniwala na posibling may personal na galit kay Formento ang taong nagbato sa kanya ng dumi ng tao.
Sa ngayon ay inatasan na ni Vice-Mayor Dumama ang mga Security Guard sa City Council na paigtingin pa ang seguridad sa kanilang tanggapan habang nag-iimbestiga na rin ang mga otoridad sa naturang pangyayari.