-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagbabala ang City DILG sa lungsod ng Kidapawan sa mga pasaway na barangay kapitan na hindi sumusunod sa pagbabawal sa anumang uri ng mga pagtitipon sa kanilang mga lugar ngayong ipinatutupad ang State of National Health Emergency dahil sa banta ng COVID19.

Ayon pa kay City LGOO Julia Judith Geveso, nakarating sa kanyang kaalaman na may mga punong barangay na hindi sumusunod sa direktiba ng DILG pati na ang executive order na ipinalabas ni City Mayor Joseph Evangelista tulad ng EO numbers 001, 024, 025 at 030 na istriktong nagbabawal sa mga pagtitipon upang maiwasan ang paglaganap ng Coronavirus 2019.

Mahigpit na ipinagbabawal ang mga sumusunod: basketball, sabong at ano mang uri ng pagsusugal, videoke, misa, kasal, binyag, birthday at ano mang uri ng handaan at sabayang kainan, Pabasa sa Semana Santa, burol at iba pang klase ng social gatherings.

Tiniyak ni Geveso na mananagot sa batas ang mga opisyal ng barangay na hindi susunod sa mga direktiba ng DILG at city government