-- Advertisements --

Pinapasuspendi ng Office of the Ombudsman si Marikina engineer Kennedy Sueno at anim na iba pa dahil sa alegasyon ng pangongotong sa mga kumukuha ng building permit.

Sa 10 pahina kautusan ni Ombudsman Samuel Martires na inatasan nila ang Marikina City Government na agad na ipatupad ang suspension ng Sueno ng anim na buwan.

Kasama ring sinuspendi sina Enforcement Section chief Romeo Gutierrez Jr., building inspector Marlito Poquiz, electrical inspector Alex Copreros, engineer Mark de Joya, electrician foreman Manuel Santos at administrative aide Abigail Joy Santiago.

Layon ng nasabing preventive suspension ay para hindi sila makaabala sa mga gagawing imbestigasyon sa mga hinaharap nilang reklamo.

Inatasan din ng anti-graft court si Marikina Mayor Marcelino Teodoro na bantayang mabuti kung naipapatupad ba ang suspensyon.