CENTRAL MINDANAO-Ginawaran ng tatlong awards ang City Government ng Kidapawan sa katatapos lamang na Regional Nutrition Awarding Ceremony sa Koronadal City.
Ito ay kinabibilangan ng Green Banner Seal of Compliance, Regional Awardee for Innovative Service Deliveries on Eradicating Malnutrition o RAISE for CY 2021, at Most Active Social Media Page (posting on Nutrition-related activities and active sharing of NNC Organic posts for CY 2022.
Nakamit ng City Government of Kidapawan Green Banner Seal of Compilance matapos makakuha ng 85.06% o Very Satisfactory Performance sa pamamahala at pagpapatupad ng Nutrition Program base na rin sa monitoring at evaluation na ginawa ng Local Level Plan Implementation Protocol at alinsunod sa 2021 nutrition standards.
Pasok din ang City Government of Kidapawan bilang isa sa mga RAISE awardees matapos na ito ay makapagpatayo ng isang Complementary Food Processing Center sa Barangay Magsaysay, Kidapawan City.
Samantala, pinatunayan din ng City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng City Nutrition Council o CNC ang pagiging aktibo sa social media at pagpapalaganap ng tama at sapat na impormasyon patungkol sa kampanya ng lungsod laban sa malnutrisyon kaya’t pinarangalan din ito bilang pinaka-aktibong Facebook page (CNC).
Ang tatlong parangal ay may lagda nina NNC12 Regional Nutrition Program Coordinator Retsebeth Laquihon at DOH12 Regional Director at Regional Nutrition Committee Chairperson Dr. Aristides Tan.
Si City Nutrition Action Officer Melanie Espina ang dumalo sa awarding ceremony kasama ang iba pang personnel mula sa CNC.
Pormal namang tinanggap ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista kasama si City Health Officer Dr. Jocelyn Encienzo ang tatlong parangal sa flag raising ceremony na ginanap sa City Hall Lobby/Grounds.
Sinaksihan ito ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Kidapawan na sina Judith Navarra, Aljo Cris Dizon, Jason Roy Sibug, Gallen Ray Lonzaga, at ABC Kidapawan Federation Pres/Ex-Oficio Morgan Melodias kasama ang mga empleyado ng City Government.
Samantala, binigyan din ng parangal ang mga sumusunod: Melanie S. Espina, RND – CNAO bilang Outstanding Local Nutrition Action Officer in Region 12, Hadilza P. Tagsa –
CNPC bilang Regional Outstanding Local Nutrition Program Coordinator, at Kathyliene Paloma, BNS Brgy Ginatilan bilang Regional Outstanding Barangay Nutrition Scholar 1st Runner Up.