CENTRAL MINDANAO- Ginawaran ng Seal of Good Local Governance o SGLG ang Lungsod ng Kidapawan para sa taong 2021.
Ito na ang ika-limang taon na nabigyan ng SGLG Award ang Kidapawan City (2016, 2017, 2018, 2019, at 2021) kung saan matagumpay na naipasa at nakakuha ng mataas na marka ang lungsod sa mga criteria na itinakda ng Department of Interior and Local Government o DILG para sa lahat ng mga LGUs sa buong bansa.
Kabilang dito ang Financial Administration and Sustainability, Disaster Preparedness, Health Compliance and Responsiveness, Sustainable Education, Business-Friendliness and Competitiveness, Safety, Peace and Order, Environmental Management, Tourism, Heritage Development, Culture and Arts, at Youth Development.
Si dating Kidapawan City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd District Representative Joseph A. Evangelista ang tumanggap ng plaque sa Awarding Ceremony na ginanap sa Manila Hotel.
Kasama niyang tumanggap ng parangal si Assistant City General Service Officer Engr. Francisco Tanaid at DILG CLGOO Julia Judith A. Geveso, MPA at DILG Cotabato Provincial Director Ali Abdullah.
Patunay lamang ang SGLG Award: Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Lokal na namumukod-tangi ang Lungsod ng Kidapawan at patuloy na pinaglilingkuran ng mga opisyales nito ang mga mamamayan ng buong puso’t at hangad ang tagumpay ng bawat sektor ng pamayanan.