-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Wala munang pinahintulutang makapasok sa old City Hall ng lungsod ng GenSan matapos magsagawa ng assessment ang City Disaster Risk Reduction Management Office kasama ang taga City Engineers Office para tiyakin na ligtas na ang kalagayan ng mga empleyado.

Ito’y matapos maglabas ng utos si GenSan Mayor Ronnel Rivera na ngayong hapon na bubuksang muli ang city hall matapos tumama ang magnitude 6.2 na lindol kaninang umaga.

Nabatid na may mga lumang bitak na ang nasabing building dahil sa mga nagdaang mga pagyanig.

Binago din ng Phivolcs ang unang impormasyon na nagmula sa Alabel, Sarangani ang epicenter at pinalitan ito ng Sarangani, Davao Occidental na may lalim na 16 kilometro.

Magnitude 5 ang lungsod habang magnitude 4 naman ang mga karatig munisipyo ng Sarangani Province, South Cotabato at magnitude 3 naman sa Maguindanao province.

Isa sa apektado sa lindol ang isang malaking mall sa siyudad nang mahulog ang bahagi ng pinaglalagyan ng kanilang tarpaulin.