-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pansamantalang isasara sa loob ng tatlong araw ang City Hall ng Island Garden City of Samal matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado nito.

Batay sa inilabas na advisory ng Samal LGU, unmpisa ngayong araw Nobyembre 11 hanggang 13, sarado ang kanilang city hall upang bigyang-daan ang isasagawang disinfection.

Dahil dito, ang lahat ng mga emplelado ng IGACOS city hall ay istriktong inutusan na manatili sa kanilang bahay at magsagawa ng self-isolation mula sa kanilang mga miyembro ng pamilya na nasa vulnerable sector na kinabibilangan ng mga senior citizens, mga bata, mga buntis at yaong mga may karamdaman.

Babalik umano ang operasyon ng IGACOS LGU sa Nobyembre 16.

Samantala, mahigpit ding pinagbawalan ng lokal na pamahalaan ng Samal Island ang mga residente nito na pumunta sa Purok 1 at Purok 3 ng Barangay Catagman upang maiwasan ang local transmission matapos makapagtala ng COVID positive case ang naturang lugar.