KORONADAL CITY – Naalarma si City Health Officer Dr. Edito Vego ukol sa impormasyong iilang katao sa labas ng lalawigan ng South Cotabato ay hindi sumailalim sa quarantine procedures.
Ayon kay Dr. Vego sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal, ito’y matapos ipinaabot sa kanilang tanggapan na iilan sa mga indibidwal na ito ay nagmula sa Davao City na nagkaroon ng local transmission at pumasok sa lungsod na hindi sumunod sa 14-day mandatory quarantine procedure.
Iilan umano sa mga ito ay mga sundalo at mga empleyado ng regional offices upang mag-report sa kani-kanilang mga opisina kasunod sa paglagay ng lungsod sa modified general community quarantine.
Panawagan ng opisyal na sana’y makigpag-ugnayan ang nasabing mga indibidwal sa kanilang tanggapan upang maiwasan ang local transmission at muling pagkakatala ng kumpirmadong kaso sa lungsod.