-- Advertisements --

LA UNION – Nasibak bilang punong tagapamahala ng pamahalaang panlungsod ng San Fernando, La Union si Mayor Hermenegildo “Dong” Gualberto matapos itong hatulan na guilty ng Office of the Ombudsman.

Base sa 20 pahina na desisyon ipinalabas ng Ombudsman, guilty sa grave misconduct, gross neglect of duty, at pagkakatanggal sa katungkolan sa pamahalaan ang hatol sa naturang alkalde dahil sa paglabag sa 2017 Revised Rules on Administrative Cases ng Civil Service.

Nakitaan din ng prosekusyon na mayroong probable cause upang ihain sa Sandiganbayan ang kasong kriminal dahil sa umano’y paglabag ni Gualberto sa section 3 ng Republic Act 30119, habang naibasura naman ang reklamong paglabag sa Article 220 ng Revised Penal Code.

Samantala, nabatid ng Bombo Radyo na wala din ang alkalde ngayon araw sa City Hall.

Una rito, ang nabanggit na reklamo laban kay Mayor Gualberto ay inihain ng 47 punong barangay ng lungsod dahil sa rehabilitasyon ng City Plaza na nagkakahalaga ng P66,473,503.90 o nagmula sa 20 percent Development Fund ng 2018 at sinasabing hindi akma sa konteksto ng naturang proyekto.