-- Advertisements --

CEBU – Napanatili ng lungsod ng Carcar ang titulo bilang kampeon ng Pasigarbo sa Sugbo Festival dahil kinilala ito bilang big winner ngayong taon.

Ipinakita ng contingent ng lungsod ang kanilang Kabkaban Festival na nakakuha ng top awars para sa mga pangunahing kategorya para sa Pasigarbo sa Sugbo 2022.

Nakuha ng lungsod ang 1st place para sa Street Dance Competition at Ritual Showdown at mga special awards tulad ng Best in Festival Jingle at 3rd place para sa Best in Andas.

Narito ang listahan ng mga nanalo para sa Pasigarbo sa Sugbo ngayong taon.

Sa Ritual Showdown; 1st place Carcar City – Kabkaban Festival, 2nd place Toledo City – Hinulawan Festival, 3rd place City of Naga – Dagitab Festival, 4th place Minglanilla – Sugat Kabanhawan Festival, 5th place Bantayan – Palawod Festival, 6th place Talisay City – Halad-Inasal Festival, 7th place Liloan – Rosquillos Festival, 8th place Dalaguete – Utanon Festival, 9th place Consolacion – Sarok Festival at 10th place Moalboal – Kagasangan Festival.

Sa Street Dance Competition; 1st place Carcar City – Kabkaban Festival, 2nd place Barili – Panumod Festival, 3rd place Liloan – Rosquillos Festival, 4th place Minglanilla – Sugat Kabanhawan Festival at 5th place Dalaguete – Utanon Festival.

Sa Best in Decorated Audio Van; 1st Place Madridejos – Isda Festival, 2nd Place Balamban – Lingaw Sadya Festival, 3rd Place Minglanilla – Sugat Kabanhawan Festival, 4th Place Consolacion – Sarok Festival at 5th Place Bantayan – Palawod Festival.

Sa Best in Andas; 1st Place Minglanilla – Sugat Kabanhawan Festival, 2nd Place Mandaue City – Meeting Mandaue Festival at 3rd Place (tie) ang Carcar City -Kabkaban Festival at Ronda – Humba Festival.

Matatandaan na noong Biyernes, napanalunan din ng kanilang kandidatang si Mia Loureen Tamayo ang korona ng Pasigarbo sa Sugbo Festival Queen 2022 kabilang ang dalawang espesyal na parangal para sa Best in Group Production Presentation at Best Solo Performer.