NAGA CITY – Kinumpirma ng City Veterinarian ng Naga City na isinasailalim talaga sa euthanasia o mercy killing ang mga impounded dogs matapos ang limang araw na walang kumukuhang may-ari.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Junius Elad Jr., sinabi nito na sinimulan ang programang rabies control and eradication program sa lungsod noong taong 1998, kung saan hinuhuli ang mga street dogs o aspin.
Ayon dito, ang mga aso na isinasailalim sa mercy killing ang tinuturukan ng potassium chloride o isang gamot na pumapatay sa mga aso sa loob lamang ng isa o dalawang minuto.
Ipinaliwanag naman nito na, base sa kanilang pag-aaral kung magkakaroon ng animal shelter na mag-aalaga sa nasabing mga hayop tinatayang aabot sa P1 milyon ang magagastos ng local government ng Naga.
Kung maaalala, umani ng mga negatibong komento ang sa ilang mamamayan ang pagpatay sa mga nahuhuling aso.