Hindi nakatanggap distress signal mula sa nawawalang Cessna 206 noong araw na mawala ito sa Isabela.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Ang distress signal ay dapat na ipapadala sa mga tore ng komunikasyon sa aviation kung ang isang sasakyang panghimpapawid ay makaranas o makatagpo ng isang sakuna.
Kinumpirma rin ng Civil Aviation Authority of the Philippines na ang Cessna 206 ay hindi nagpadala ng ganoong signal sa Philippines Communication Navigation Surveillance/Air Traffic Management System (CNS/ATM).
Dagdag pa ng ahensya na nawala ang Cessna 206 isang oras matapos itong lumipad mula sa Cauayan Domestic Airport pasado alas-dos ng hapon noong Enero 24. Lalapag sana ang sasakyang panghimpapawid sa paliparan ng Maconacon, pagkatapos ng halos 30 minutong paglipad.
Samantala, Nakipag-ugnayan na ang aviation authority sa kanilang counterpart na nakabase sa Hong Kong para sa posibleng pagtuklas ng ELT ng Cessna 206. Gayunpaman, sinabi ng Hong Kong Mission Control Center (HKMCC) na hindi rin ito nakatanggap ng distress alert mula sa nawawalang sasakyang panghimpapawid. Humingi na rin ng tulong ang HKMCC sa Japan Mission Control Center (JAMCC), na wala ring nakitang record ng Cessna 206.