Kinumpirma ngayon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ang nawawalang Cessna aircraft sa Bicol noong weekend ay ang nasa slope ng Mayon volcano.
Sa isang statement, sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines positibo umanong nakilala ng Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) na bahagi ng search and rescue operations ang Cessna 340 aircraft.
Ang wreckage site ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng slope ng Mayon Volcano ay mayroong elevation na 3500 hanggang 4000 feet.
Nakilala raw ang naturang wreckage gamit ang high resolution camera.
Pero ang kondisyon umano ng crew at mga pasahero ng eroplano ay hindi pa alam dahil kailangan pang maabot ng mga miyembro ng rescue team ang eksaktong crash site.
Ang Cessna 340 (Caravan) aircraft na may registry number RP-C2080 ay nag-take off sa Bicol International Airport dakong alas-6:43 ng umaga noong Sabado.
Nawalan ito ng contact sa air traffic controllers dakong alas-6:46 ng umaga nang papalapit ito sa Camalig Bypass Road na may taas na 2,600 feet.
Dadating sana ang eroplano sa Manila dakong alas-7:53 ng umaga noong Sabado.