-- Advertisements --

Nag-isyu ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notice to Airmen (NOTAM) matapos ang napaulat na rocket launch test ng China.

Ayon kay CAAP spokesman Eric Apolonio, nagsimula ang Long March 7A (CZ-7A) rocket launch ng China nitong Martes, Setyembre 13 at inisyu ang naturang notice sa mga lugar kung saan maaaring bumagsak ang rocket debris.

Ang naturang notice ay magtatagal hanggang hatinggabi ng Setyembre 18.

Kabilang sa areas of concern ay ang drop zones na natukoy ng Philippine Space Agency (PhilSa) na nasa humigil kumulang 71 kilometro mula sa Burgos, Ilocos Norte at 52 kilometro mula sa Sta. Ana, Cagayan.