Nagpadala na ang Civil aviation Authority of the Philippines ng opisyal mula sa Aircraft accident investigation and Inquiry Board bilang tulong sa bumagsak na helicopter sa Palawan.
Nawala dakong alas-9:00 ng umaga ang isang medical evacuation flight mula sa isla ng Mangsee, na matatagpuan sa dulong timog-kanlurang bahagi ng Balabac, Palawan.
Pinamamahalaan ng Philippine Adventist Medical Aviation Services o (PAMAS) ang nasabing sasakyang panghimpapawid na umalis ng 7:30 AM sa Brooke’s Point upang kunin ang isang pasyente sa Mangsee Island (Balabac, Palawan) at inaasahang darating sana ng 10:30 AM sa Southern Palawan Provincial Hospital (Brooke’s Point, Palawan).
Sa ulat ang helicopter ay may lulan na limang (5) tao na sakay na binubuo ng isang piloto, isang nars, at isang pasyente na may 2 kasama.
Nagdeploy na rin ang ilang ahensya at awtoridad tulad ng Coast Guard Station (CGS) ng Southern Palawan para sa isasagawang rescue.
Bilang karagdagan, ang Coast Guard Station Palawan ay nagtalaga ng MRRV-4402 upang tumulong rin sa operasyon.