-- Advertisements --
Magsasagawa ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng aerial search para kumpirmahin kung ang debris ng isang aircraft sa Mayon ay sa nawawalang Cessna plane.
Ayon sa spokesperson ng Civil Aviation Authority of the Philippines na si Eric Apolonio, sakaling gumanda ang panahon, ang susunod nilang hakbang ay ang aerial search para ma-identify ang nasabing aircraft. Makikita naman aniya sa litrato na intact pa ang tail end ng eroplano kaya mas madaling matukoy ang tail number.
Dagdag pa ni Apolonio na kailangan nilang tiyakin kung ang Cessna plane ba ito dahil halos 6,000 feet above the ground ang kailangan lakbayin ng mga rescuers.