-- Advertisements --

CEBU – Pinaboran ng korte si Cebu Provincial Board Member Glenn Anthony Soco sa kasong isinampa nito laban sa Cebu Pacific.

Inihayag ng opisyal na kahit matagal ang desisyon na umabot pa ng 12 taon ay kanyang ikinatuwa na nanalo ito sa kaso upang maging ‘wake up call’ sa nasabing airline na magpa-hanggang ngayon ay nagbibigay pa rin ng problema sa mga pasahero.

Mayo 24, 2011 nakansela ang byahe ng board member dahil sa diumano’y na ‘bumped off’ ang flight nito, bagay na hindi ipinaalam sa kanya ng airline bago pa man ang kanyang flight.

Hindi na umano ito pinasakay sa eroplano dahil puno at overbooked na ang nasabing flight at si Soco ang pinakahuling pasahero na dumating sa check-in counter.

Kaugnay nito, naintindihan ni Soco ang paghain ng resolusyon ni Cagayan de Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez para suspindihin ang prangkisa na ibinigay ng Kongreso sa Cebu Pacific dahil sa maraming reklamo sa offloading at hindi magandang serbisyo ng nasabing airline.