Naghain ng civil complaint si dating Bayan Muna Rep. at chair Teddy Casiño laban kina Sonshine Media Network International (SMNI) hosts Lorraine Badoy at Jeffrey Celiz sa Makati City Regional Trial Court (RTC) kaugnay sa claims ng red-tagging.
Ayon sa dating mambabatas, gumawa umano ng malicious public statements ang SMNI hosts na nagred-tagged sa kaniya at nanirang puri na paglabag sa Article 19-21 ng Civil Code.
Sa kaniyang inihaing reklamo, hinimok ni Casino ang korte na i-compel sina Badoy at Celiz para bayaran siya ng minimum na P1.1 million hanggang P2.1 million para sa moral damage, P5000 para sa exemplary damages, kalahating milyon oara sa nominal damages at hindi bababa sa P100,000 para sa lawyer’s fee at gastos sa kaso.
Nakasaad pa sa reklamo na inatake nina Badoy at Celiz si Casino sa ilang mga okasyon kung saan pinaratangan umani siya ng mga 2 hosts sa kanilang programa ng krimen, criminal status at ilan pang iligal na gawain.
Sinabi din ng dating mambabatas na long overdue na ang kaniyang legal action dahil matagal na siyang inaakusahan nina Badoy at celiz simula pa noong 2020 na sangkot umano sa rebelyon at terorismo.