-- Advertisements --

civil

Muling isinusulong sa Kongreso ang panukalang batas ang “Civil Partnership Bill” na kumikilala sa civil partnerships ng mga couples, layon din nito na mabibigyan din kaparehong benepisyo ang mga same-sex couples gaya duon sa straight married couples.

Muling inihain ni Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera ang nasabing panukalang batas bilang bahagi ng kaniyang priority measures sa pagbubukas ng 19th Congress.

Umaasa ang mambabatas na sa pagkakataong ito ay hindi na hahadlangan ang nasabing panukalang batas at tuluyan ng pinagtibay.

Batay sa explanatory note ng House Bill No. 1015, napapanahon na dapat pahayagan na ng gobyerno na kilalanin ang pagsasama ng straight at same sex couples, respetuhin ang kanilang ang dignity.

Binigyang-diin ni Cong. Herrera na ang nasabing bill ang siyang magiging landmark effort to provide civil rights, benefits and responsibilities sa mga couples na hindi maaring magpakasal, dapat mabigyan din sila ng due recognition and protection mula sa pamahalaan.

Malinaw din sa nasabing measures na no civil partnership is valid lalo na ang mga involved ay at least 18 years old.

Walang civil partnership ang valid maliban kung ang mga involved ay hindi bababa sa 18 taong gulang, hindi ipinagbabawal na pumasok sa isang civil partnership dahil sa pampublikong patakaran tulad ng mga relasyon sa dugo, at malaya mula sa anumang umiiral na bond ng kasal o civil partnership.

Ang mga pumasok sa civil partnerships ay pagkakalooban ng lahat ng benepisyo at proteksyong ipinagkaloob sa mga kasal na mag-asawa, sa ilalim ng mga umiiral na batas, mga utos ng administratibo, desisyon ng korte o yaong nagmula bilang isang bagay ng pampublikong patakaran o anumang iba pang pinagmumulan ng batas sibil.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga nais pumasok sa civil partnership ay dapat magkahiwalay na maghain ng sinumpaang aplikasyon para pumasok sa civil partnership contract sa local civil registrar.

Maaari din ayusin ng mga civil partnership couples ang kanilang mga relasyon sa ari-arian sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang pre-civil partnership agreement.

Sa kasalukuyan, ang same-sex couples ay hindi pinapayagang magpakasal dahil ang Family Code ay tumutukoy sa kasal bilang isang “espesyal na kontrata ng permanenteng pagsasama sa pagitan ng isang lalaki at isang babae.”

Kabilang sa mga pasakit na nararanasan at hinaing ng mga same-sex couples ay ang kawalan ng kakayahan na ideklara ang kanilang mga partners bilang mga benepisyaryo ng social security at insurance plans at hindi rin sila maaaring magmana sa pamamagitan ng intestate rights kung sakaling mamatay ang kanilang partner.

Ang nasabing panukala ay mayruong multa na P100,000 hanggang P500,000 o pagkakakulong ng isang taon hanggang anim na taon para sa mga taong tumatangging mag-isyu ng civil partnership contract sa kabila ng authorized itong gawin. Ang parusa ay maaari ding ipataw sa mga taong tatanggihan ang mga karapatan at benepisyo ng mga mag-asawa sa civil partnerships, gagawa ng discriminatory employment practices at discriminatory practices sa mga anak ng mag-asawa sa civil partnerships.